Boys Over Flowers, ang biggest Asianovela sa ABS-CBN, humahataw sa ratings!
May 15th, 2009 by boysbeforeflowerby Patricia RamirezĀ | May 15, 2009 9:43 PM
Isang linggo pa lang, pinagkakaguluhan na ang pagbabalik ng F4! At dahil sa inyong kahilingan muling mapapanood ang mga eksenang nagpakilig sa buong bayan. Bukas (Sabado), ang Cinema FPJ: Da King on ABS-CBN ay pansamantala pong hindi mapapanood para magbigay-daan sa Boys Over Flowers: ONE MORE TIME, A Marathon Special. Para sa mga hindi nakapanood at para sa gustong panoorin muli, Alas kwatro ng hapon po yan, bukas, dito sa ABS-CBN.
Sa Lunes naman, may swap na swak sa Primetime Bida. Ang Pinoy Bingo Night makikipag-swap ng time slot with Boys Over Flowers. Magsisimula ang Primetime viewing mo with the biggest Asianovela of 2009—Boys Over Flowers bago mag-TV Patrol World. At pagkatapos ng Tayong Dalawa, mas sasaya ang gabi dahil bibingo sa bago nitong oras ang Pinoy Bingo Night with Kris Aquino. Kaya’t abangan ngayong Lunes ang swap na swak sa Primetime Bida!